• stamaria1.jpg

 

HISTORY

Mula sa malagubat na lugar noong panahong nasa ika anim na siglo may labing isang kilometrong nayon mula sa Pinamalayan town proper ang napapaligiran ng nagtataasang mga punong kahoy, malagintong butil ng palayat ng mais, malakristal na tubig sa ilog na pinagkukunan ng matatabang isda at iba't ibang prutas at pagkaing wala pang masyadong kemikal na nakakaapekto sa kalusugan ng tao.

Ito ay dating sakop ng Barangay Pagalagala dahil sa laki o lawak ng Barangay Pagalagala ito ay ginawang dalawang sitio ang Pagalagala Uno at Dos. Ang Pagalagala Dos bilang nakatatanda sa Pagalagala Uno. Ang Pagalagala Uno ay napagkasunduang magpyesta upang maging daan ng kanilang mithiin na maihiwalay at tuluyang maging isang bagong nayon. Sa kanilang pagpapalitan ng kuro kuro at mungkahi napagkaisahan din nila na ang ipapalit na pangalan ay Sta. Maria bilang papuri sa ina ng sangkatauhan ngunit ang mga balakin nila noon ay nabaliwala ng ang ilan sa kanila ay tuluyan ng lumisan dahil na din sa katandaan at iba pang dahilan. Ngunit noong taong 1965 nagkaroon ng halalan para sa kapitan ng nayon, isa si Ginoong Victor Wamil sa kumandidato bilang konsehal ng Pagalagala at siya ai nagwagi. Sa kaniyang panunungkulan bilang konsehal gumawa siya ng isang petisyon na naglalayong paghiwalayin at bigyan ng bagong pangalan ang ang Pagalagala Uno, hindi nagtagal  at naaprobahan ito ng Provincial Board Member.  

Mula noon ay napagkaisahan at pinagtibay ang ika 11 ng Mayo ang gawing Piyesta ng nayon at ang Mahal na Birheng Maria ang gawing Patron. At nagkaroon dito ng simbahan, nagdonate ng lote ang dalawang mababait na naninirahan dito at nagtulong tulong ang mga taga barangay upang maitayo ang simbahan.

Kaya hanggang ngayon ay patuloy ang pag unlad ng Barangay Sta. Maria sa pagtutulungan ng mga namumuno sa barangay sa pamumuno ni KGG Rufino S. Dimapilis at ng kanilang mga mamayan.

 

Login Form